Heto na mga dear!

Isinakatuparan na nga nina Karen Davila at Lyca Gairanod ang napagkasunduan nilang sabay na pagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Matatandaang naging viral noong Agosto 2021 ang reaksyon ng batikang journalist/newscaster nang malaman niyang pareho sila ng kaarawan ng The Voice Kids season 1 grand champion. Bihirang pagkakataon daw na magkasama sa isang vlog ang mga taong may parehong birthday. November 21 nga.

“Oh my God! Birthday ko iyon! Birthday mo November 21? Hindi ko alam 'yun ah, wait hindi ko alam 'yun. Magka-birthday kami. Parehong Scorpio," manghang-manghang sabi ni Karen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Netizens are going crazy about Lyca Gairanod's reaction to Karen Davila – Manila  Bulletin
Screengrab mula sa YT/Lyca Gairanod at Karen Davila

VIRAL: Karen Davila 'shocked' Lyca Gairanod – Filipino News
Screengrab mula sa YT/Lyca Gairanod at Karen Davila

Bukod sa reaksyon ni Karen, kinagiliwan din ang facial expression ni Lyca, na nagulat sa ginawa ni Karen.

"We are meant to meet! We are meant to meet… How many people ang makakatsamba mo, iniinterview ka, ka-birthday mo," sabi pa ni Karen.

Agad namang bumanat si Lyca, "Dahil magka-birthday po tayo, kayo po ang maghahanda sa birthday ko…"

"Pag nag-birthday tayong dalawa, ako ang magpapa-party!" pangako naman ni Karen.

Kaya naman, inabangan talaga ng mga netizens ang pagsapit ng November 21.

"Ms. Karen, don't forget, malapit na birthday ninyo ni Lyca! Nangako ka!"

"Huwag nating kalilimutan guys na malapit na ang birthday nina Karen at Lyca!"

"Excited na kami sa pa-party ni Mam Karen and Lyca! Malapit na November 21!"

At nito ngang November 20, inupload ni Karen sa kaniyang YouTube channel ang vlog ng kanilang advanced birthday celebration, kasama ang kaibigang socialite-vlogger na si Small Laude.

May be an image of 2 people, people standing, cake and indoor
Larawan mula sa IG/Lyca Gairanod at Karen Davila

Birthday celebration for a cause ang ginawa nila dahil sa halip na sila ang mabigyan ng regalo, sila ang namahagi ng sorpresa sa ilang mga kapitbahayan ni Lyca. Namigay sila ng libreng bisikleta sa tulong ni Gretchen Ho na tinawag na 'Donate a Bike, Save a Job', bukod pa sa iba pang mga freebies mula sa kanilang sponsors.

Karen Davila, Lyca Gairanod, at Gretchen Ho (Screengrab mula sa YT)

Screengrab mula sa YT/Karen Davila

Screengrab mula sa YT/Karen Davila

Screengrab mula sa YT/Karen Davila

"THAAAAANK YOU EVERYONE!!!! Maraming Salamat for welcoming my birthday and Lyca’s with so much LOVE! Nakakatuwa! We wanted to celebrate it in a meaningful way, nasa gitna tayo ng pandemya! I am 51 this year - forever grateful and dependent on the strength Christ gives me. LOVE YOU ALL!" pasasalamat ni Karen.