Sa gitna ng mabibigat na paratang ng netizens sa Pinoy Big Brother housemate na si Tj Valderrama kaugnay ng umano'y unsolicited physical contact nito sa 19 taong-gulang na si Shanaia Gomez, dumepensa ang kanyang kapatid sa isang Facebook post.

"'Di ko makakalimutan isang gabi nung natutulog ako, medyo nagising ako kasi naramdaman kong may umupo sa tabi ko. It was Kuya Tj. He then started to gently rub my head and kissed me sa forehead. That, the random “I love you, baby Louis”, random kisses sa cheeks and maraaaaming hugs, ito yung totoong TJ Valderrama," pagbabahagi ni Louis Anne Valderrama.

"Kuya has the softest heart and he’s always been very protective of me. I even remember one time, at a dinner, He literally cried when he found out that I introduced a guy kela daddy. Kahit nung naghuhugas na siya ng pinggan he was still tearing up while telling me na Baby pa rin daw niya ako no matter how old I get. My kuya is the sweetest man I know," dagdag niya.

Sa parehong post, ibinahagi rin ni Louis Anne ang mga mensahe ng kanyang Kuya at ang isang beses na umiyak ito nang malayo siya sa kanila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa Facebook post ni Louis Anne sa Facebook

Larawan mula sa Facebook post ni Louis Anne sa Facebook

'If you know my Kuya personally, alam niyong malayo sa katotohanan ang mga binibintang sakanya. He is a very loving person, and it is heartbreaking knowing kung ano ang sasalubong sakanya pag labas," aniya pa.

Masakit daw para sa kanilang pamilya ang mga paratang na ibinabato kay Tj.

"To my Kuya’s haters, sana po hindi niyo maranasan itong pinagdadaanan namin. The pain we feel as his family is something I would NEVER ever wish on anyone. May mga magulang po kami na nagdadala ng mga masasakit na salitang napaka madali niyo lang binibitawan. To those who defend my Kuya tirelessly, buong puso po namin kayong pinasasalamatan! Laban lang basta wala tayong tinatapakang tao. #LakadMatatag, Team Tj! ?."