Si Rayver Cruz ang special guest ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose para sa kaniyang digital documentary concert na 'Limitless Part 2: Heal' na napanood na nitong Nobyembre 20.

Kinilig ang mga tagahanga nila ni Rayver dahil marami silang mga 'sweet photos' sa Instagram na karamihan ay kinunan pa sa isang talon, at mismong si Rayver pa ang nag-post nito.

Marami tuloy ang nang-iintriga sa kanilang dalawa ngayon, lalo't hiwalay na nga si Rayver sa kaniyang nobyang si Janine Gutierrez na nakarelasyon niya sa loob ng apat na taon.

Paglilinaw ni Julie Anne, huwag sanang bigyan ng malisya ang pagkakaibigan nila ni Rayver. Aniya, sadyang komportable lamang sila sa isa't isa at magaan itong katrabaho. Wala raw 'awkward moments' kapag magkatrabaho sila. Sila kasi ngayon ang pinagtatambal sa Kapuso Network.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Comfortable lang talaga kami sa isa’t isa and ’yun naman talaga ang isa sa factors para magkaroon ng chemistry ang isang team-up,” saad ng singer-actress sa ginanap na virtual media conference para sa kaniyang digital concert.

Personal choice pala niya si Rayver na maging guest niya sa digital concert kaya malaki ang pasasalamat niya rito.

“Actually ano, kasi to be honest, talagang nag-list down kami ng mga possible featured artists and we all agreed na isama roon si Rayver since he’s one of my closest friends talaga sa work and even in life," ani Julie Anne.

“And he’s such a good friend. And 'di ba, mas better kapag may kasama kang friend na alam mo ’yun, nag-iikot, travel and we’ve always been okay, we’ve always been really good and parang comfortable naman din kami, I never really had a hard time working with Rayver and I considered him as one of my closest people in my circle."

“Saka marami rin akong mga na-discover sa kanya and everything was really fun and we all enjoyed it. Actually, hindi lang ako, hindi lang kami, ’yung buong team."

Kaya naman nagpapasalamat si Julie Anne sa mga tagasuporta nila ni Rayver, at humihiling na sana ay patuloy silang suportahan sa mga susunod pa nilang proyekto.