Bibida na sa telebisyon ang social media personality at vlogger na si Pipay ngayon Sabado, Nobyembre 20.

Sa bagong episode ng Wish Ko Lang na pinamagatang 'Apoy,' gaganap si Pipay bilang si Matet.

Makakasama niya rito ang mga aktor at aktres na sila Martin del Rosario, Faith da Silva, Maureen Larrazabal, at Coleen Paz.

Ang kwento ay iikot sa istorya ni 'Joshua,' na ginanapan ni del Rosario, na kung saan ay sinilabaan ito nang buhay ng kanyang dating kasintahan.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Inimbitahan naman ni Pipay ang publiko na panuorin ang darating na episode na kanyang pagbibidahan.

"I am inviting you all to watch Wish Ko Lang at 4 p.m. every Saturday."

Matatandaan na una nang lumabas sa episode ng Wish Ko Lang noong Hulyo na may pamagat na "To Love Again."

Nakasama niya rito sila Sanya Lopez, Anjo Damiles, Rita Avila, at Arny Ross. Ito rin ang kauna-unahang appearance ni Pipay sa telebisyon.

Si Pipay ay isang sikat na online influencer na may 36.2 milyong likes at 2.3 milyong followers sa TikTok.