Nilinaw ng Malacañang nitong Sabado, Nobyembre 20, na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang Pilipinas kaugnay ng madugong war on drugs ng pamahalaan.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni ICC Prosecutor Karim Khan na sinuspindi muna nila ang pagsisiyasat sa umano'y mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga napaslang sa anti-drug campaign ng administrasyon.

Ang pagsuspindi sa imbestigasyon ay bilang tugon sa kahilingan ng gobyerno, sa pamamagitan ni Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya.

Hindi rin aniya ito nangangahulugang hindi na sila makikipag-usap sa ICC sa usapin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"And it should be stressed that the government's communication to the ICC was conditioned on the fact that in making that communication, the Philippine government was not waiving its position regarding the ICC's lack of jurisdiction," pagbibigay-linaw pa nito.

PNA