Hindi pinalagpas ni dating Department of Interior at Local Government Secretary o DILG Secretary Mel Sarmiento, na fiance ni Kris Aquino, ang tila 'parinig' na tweet ni dating Quezon City mayor at ngayon ay senatorial candidate Herbert Bautista.

"Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na po sya. #TOTGA #KungMaibabalikKoLang" ayon sa tweet ni Bistek, para kay presidential aspirant Panfilo Lacson, na burado na ngayon.

Bagama't walang binabanggit na pangalan, gets naman ng mga 'Marites and company' na baka ang tinutukoy umano ni Bistek ay ang dating naugnay sa kaniya na close friend na si Kris Aquino, na eventually ay engaged na nga kay Mel.

Kaugnay nito, naglabas naman ng pahayag si Mel para kay Bistek, na tila hindi nagustuhan ang ginawa nito.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

"Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike."

"As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention."

Sa halip daw na ungkatin pa ni Bistek ang nakaraan, magpokus na lamang umano siya sa paglalatag ng mga achievement niya bilang public servant upang makumbinsi ang taumbayan na iboto siya bilang senador.

"Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes."

"Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon."

Matatandaang inanunsyo ni Kris ang engagement nila ni Mel nitong Oktubre, subalit wala pang detalye kung kailan siya magiging ganap na Mrs. Kris Aquino Sarmiento.

Samantala, wala pa namang pahayag ukol dito si Herbert.