Kasunod ng pagputok ng balitang nahahabla sa Amerika ang self-proclaimed “Appointed Son of God” at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng mga alegasyong sex trafficking sangkot pa ang ilang menor de edad, hindi nakapagpigil ang ilang kilalang personalidad na magkomento ukol dito.

Sa ulat ng ABS-CBN News sa Instagram, hindi nag-atubiling mapahayag ng saloobin ang Kapamilya stars na si Daniel Padilla at Angel Locsin tungkol sa isyu.

“Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita,” komento ni Angel sa balita.

“Isa-isa nang tinatawag ni Satanas,” pahayag naman ni Daniel Padilla.

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

Ayon sa U.S. Justice Department, bukod kay Quiboloy, kinasuhan din ang dalawang kasamahan nito na siTeresita Tolibas Dandan at Felina Salinas dahil sa pagre-recruit ng mga babaeng edad 12-25 upang magtrabaho bilang personal assistants o “pastorals” ng kanilang religious leader.

Sa rekord ng kaso, bukod sa paghahanda ng makakain, paglilinis ng bahay at pagmamasahe, inoobliga rin ni Quiboloy ang mga “pastorals” na makipagtalik sa kanya o ang tinatawag na “night duty.”

Kabilang umano sa naging biktima ni Quiboloy ang limang babae, tatlo sa mga ito ay menor de edad nang magsimula ang sex trafficking incident noong 2002 at nagpatuloy hanggang 2018.

Basahin ang buong ulat dito: Quiboloy, kinasuhan ng sex trafficking sa U.S. – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid