Marami pa ring tsismis ang patuloy na kumakalat ngayon kaugnay ng paghihiwalay nina Kapamilya star Janine Gutierrez at Kapuso actor Rayver Cruz.

Hindi pa nakaligtas ang dalawa sa batikang kolumnista at TV host na si Cristy Fermin sa kanyang programa.

Sabi ni Fermin: “Alam mo mayroon akong nakausap na super close kay Rayver Cruz. Ito palang si Rayver kaya nagpursige talaga, nagsipag at nag-ipon para makapagpatayo ng sariling bahay, ‘yun palang kanyang pananaw sa kinabukasan, malapit pala. Pinaghahandaan niya na pala ‘yung panahon na kung saan sakaling magkakaroon na siya ng asawa, ng pamilya, mayroon na silang bubong na matitirahan, ‘yun na pala ‘yon.”

“At alam mo ba, ilang linggo na ang nakararaan, nakaplano na pala si Rayver na mag-propose kay Janine. Kaya nabigla ‘yung mga kaibigan niya, biglang naghiwalay. Sayang ano, papunta na pala sa proposal ito.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Wala pang komento ang dalawa sa naturang chika.