NUEVA ECIJA - Nabulabog ang mga residente ng Nueva Ecija, Pangasinan, Pampanga at ilan pang karatig-lugar dahil sa pag-atake ng stink bugs o alitangya.
Sa panayam sa isa sa residente ng San Jose City sa Nueva Ecija na si Ron Francis, napeperwisyo ang mga ito sa kanilang pagtulog sa gabi.
“Masyado pongmaperwisyokasi po 'pag nahawakan mo 'yan meron kang maamoy na hindi kaaya-aya, sobrang baho po,” aniya.
“Gustung-gusto ng mga ito ang maliwanag na lugar at doon nagkukumpulan kaya naman kung nagse-cellphone ka o nag-aaral sa gabi at tiyak na maiinis ka at nakahihilo ang amoy nito,” pahayag naman ng isa pang residente.
Ilang gabi na ring umaatake ang mga insekto sa Cabanatuan City kung saan labis ding naaapektuhan nito ang mga residente, motorista, lalo na ang mga nagmo-motorsiklodahil nagdudulot ito ng dulas sa kalsada.
“Kumpol-kumpol at sobrang kapal ang nakakapit sa mismong highway. Pati ang mga establisimyento ay nilulusob ng mga insektong," ayon sa isa sa nagmo-motorsiklosa lungsod.
Umaatake rin ang mga ito sa Asingan, Pangasinan na kalapit lamang ng Nueva Ecija.
Sa isang Facebook post, tinatayang nasa dalawang sako nito ang nakuha sa Brgy. Palaris. Apektado rin ang ilang lugar sa Pampanga dahil sa gabi-gabing paglitaw ng mga insekto.
Liezle Basa Iñigo