Isa nang ganap na Kapuso at sasabak na sa mundo ng showbiz si Miss Universe Philippines candidate Rabiya Mateo.

Pumirma siya ng kontrata sa GMA Network nitong Huwebes, Nobyembre 18.

"Miss Universe Philippines 2020 @rabiyamateo is #ProudToBeKapuso. Welcome to GMA Network!" saad sa caption ng latest Instagram post ng GMA Network.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Rabiya Mateo (Screengrab mula sa IG/GMA Network)

Hindi raw makapaniwala si Rabiya sa panibagong yugtong ito sa kaniyang buhay.

"To be honest, kanina, para akong maiiyak. It’s the joy talaga of fulfilling another dream. Of the trust na binigay sa 'yo ng network, to give you projects na kahit, to be honest, I’m not yet well-experienced, but they believed in the potential they saw in me," pag-amin ni Rabiya sa media.

Dagdag pa niya, "So I'm just grateful to be here, to be part of the GMA family."

Si Rabiya ay nagmula sa Iloilo City, at siyang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines noong Oktubre 2020. Siya ang kumatawan sa Miss Universe nitong Mayo subalit hindi siya pinalad na masungkit ang korona.

Nitong Setyembre, ipinasa niya ang korona kay Cebu City candidate Beatrice Luigi Gomez.

Pagdating naman sa acting, unang nasilayan ang kaniyang pag-arte sa 'Gabi ng Lagim' Halloween Special ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho'.

At ngayon, naghahanda na siya bilang leading lady ni Senador Bong Revilla para sa 'Agimat ng Agila' Book 2.

Si Rabiya ang pinakabagong nadagdag sa mas lumalaking pamilya ng Kapuso Network, matapos ang pinag-usapang pagbabalik-showbiz ni John Lloyd Cruz.