Mahigit 1,000 katao ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Nobyembre 18.

Sinabi ng DOH na nakapagtala sila ng 1,297 na bagong kaso ng virus, sanhi upang umabot sa 2,821,753 ang kabuuang bilang ng kaso ng  COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang, 23,158 ang aktibong kaso-- 58.5% ang nakararanas ng mild symptoms, 4.1% ang asymptomatic, 19.96& ag moderate symptoms, 12.2% ang severe, at 5.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Nag-ulat din ang DOH ng 305 na bagong namatay, kaya umabot na sa 46,422 ang death toll sa bansa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, nakapagtala rin ng 1,956 COVID-19 survivors. Umabot na sa 2,752,173 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

“Itatak sa ating puso at isip ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards at pakikiisa sa pambansang pagbabakuna. Ang mga ito ang magliligtas sa atin laban sa COVID-19," anang DOH.

“Kasabay nito ang ating pagiging alisto sa mga sintomas. Sa oras na makaramdam ay agad makipag-ugnayan sa BHERTS [Barangay Health Emergency Response Teams] o sa One COVID Referral Center," dagdag pa nito.

Analou de Vera