Dawn Chang is on fire!

May mensahe ang dating Pinoy Big Brother: 737 housemate at 4th placer na si Dawn sa mga housemates ngayon ng 'PBB: Kumunity Season 10.

Talak niya sa Twitter nitong Nobyembre 15, "Housemates, ang ibig sabihin ng PBB ay Pinoy Big Brother. Hindi PaBeBe. Contest 'yang sinalihan n'yo hindi retreat."

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Screengrab mula sa Twitter (Dawn Chang)

Kaugnay kasi ito ng pagiging emosyunal ng ilan sa mga housemates na ilang beses nang na-nominate, o unang beses na ma-nominate, na natural na proseso lamang sa Bahay ni Kuya. Ang salitang 'pabebe' ay nagmula sa 'pa-baby' na nangangahulugang pa-cute o nagpapa-baby.

Narito ang ilan sa reaksyon at komento ng mga netizens.

"Oo nga naman! It's part of the game! Kung hindi n'yo kaya sa loob, mag-voluntary exit na lang kayo, puwede naman. Pasalamat na lang na kahit lagi-laging nano-nominate, naliligtas pa rin ng taumbayan."

"Alam mo 2 years na tayong nakulong sa pandemic, natural lang naman na dapat much lighter PBB ang mapanood ng tao. Napakahirap ng mga naging buhay ng lahat dahil sa covid. Don't be too harsh. Iba sa time n'yo. Puwede namang ibalik 'yun at the right time. Ok lang sa viewers ang lighter side ngayon."

"Tigilan mo kami, Dawn! Need mo ba atensyon! Nainis din kami sa 'yo noong nasa Bahay ka ni Kuya!"

"Maganda season ngayon kaso lahat sila halatang nagpapakiramdaman pa. Alam mo yung bait-baitan na strategy. Magagaling mag-psycho yung mga adults. Haha. Madam Inutz lang yata ang patas."

"Kagaya n'yo po, sinubaybayan ko kayo noon sa PBB, napakaprangka n'yo pong sumagot at magaling kayo sa task kaya napasama kayo sa Big Four."

Samantala, trending naman ang naging rason ni Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz kung bakit niya ni-nominate ang kapwa housemate at Star Magic artist na si Chie Filomeno.

"Binibigyan ko ng 2 points si Chie. Ready na siya, ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa, wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda," ani Madam Inutz na talaga namang trending sa social media.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/15/madam-inutz-2-points-kay-chie-kasi-wala-naman-siyang-maiambag-kundi-pagpapaganda/

Si KD Estrada naman, na pangatlong beses nang nanonominate, ay biglang nag-walk out matapos banggitin ng host na si Toni Gonzaga na nasa balag na naman siya ng alanganin. Bumalik din naman siya pagkatapos.