Tila 'nagkampihan' sina Barbie Imperial at Christine Samson sa mga ipinakakalat na 'chismis' ng mga Marites at mga 'kamag-anak' nito, na sila ang 'salarin' kung bakit nagkahiwalay sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.

Nitong Nobyembre 17, chill lang na nag-post si Diego Loyzaga, ang boyfriend ni Barbie, at tila hindi ito apektado sa mga kumakalat na isyung ipinupukol kay Barbie ng mga Marites.

"Don't get caught up in all that noise. It's just noise. My baby girl and I are chillin'. So sit back, relax, enjoy life," wika ni Diego sa kaniyang social media post.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa FB/Diego Loyzaga

May be an image of 2 people, people standing and outdoors
Screengrab mula sa FB/Diego Loyzaga

Tumugon naman dito si Barbie, "Awww mahal ko, I love you!"

Pagkatapos, nagkomento naman rito si Christine Samson, "TAMAAAAA!"

May isa pang social media post si Christine na nagsasabing "Me staring at my screen reading all the lies I see today."

Dedma rin sila sa panibagong pasabog at pang-iintriga ng self-proclaimed na 'Lalaking Marites' na si Christian Albert 'Xian' Gaza na lately ay gumagawa ng ingay sa social media, lalo na sa usaping showbiz.

Bagama't sa isang official statement na inilabas ni Xian sa pamamagitan ng isang video na naka-upload sa kaniyang Facebook, wala naman siyang binabanggit na mga pangalan, kaya huwag siyang sisihin kung nakakaladkad ang mga pangalan ng kung sino-sinong celebrities.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Ipinaliwanag din ni Xian ang tungkol naman sa isa pa niyang cryptic Facebook post kung saan matapos lumabas ang kaniyang blind item, sinabihan niya ng 'goodnight' ang lahat, maliban sa aktres na si Barbie Imperial.

"Wala naman akong binabanggit, hindi ko kasalanan kung kinuha siya ng mainstream media at ginawang parang fact, at ikinonekta na doon sa blind item," wika ni Xian.

Ginawa lamang daw niya iyon bilang 'pambawi' kay Barbie dahil sa lumalabas na video nito mula sa vlog, sa 'totropahin o jojowain challenge' noong 2020, kung saan nagpadala raw ng direct message si Xian kay Barbie, kung saan inaalok nito ng trabaho ang aktres kung sakaling hindi pa rin ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sabi ni Barbie, 'No' at nabanggit nga ng aktres na sangkot si Xian sa mga kaso ng scam.

Pero ang pangalawa at tunay na dahilan daw talaga, 'pain' lamang o bitag ito dahil alam niyang papalag at magre-react ang jowa nito, na walang iba kundi si Diego Loyzaga. Saka raw niya ibabagsak ang kaniyang tunay na 'pasabog'.

At mukhang nagtagumpay nga si Xian dahil matapos nga ang post ni Diego, bumawi naman si Xian.

"Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?" malisyosong Facebook post ni Xian para kay Diego, na hindi naman nito tinugunan.

Sina Diego at AJ ay nagkasama sa Vivamax originals na 'Death of a Girlfriend' sa direksyon ni Yam Laranas, at talaga namang maiinit ang kanilang mga eksena rito.

Sabi pa ni Xian, ito raw ang tunay na pasabog na nais niyang ipahatid. Humingi siya ng paumanhin kay Barbie Imperial kung nakaladkad man ang pangalan nito sa blind item dahil sa kaniyang cryptic post, pero ang nais daw niya talagang puntiryahin ay si Diego Loyzaga.

Samantala, nagpatikim naman siya sa nalalamang detalye sa hiwalayan ng dalawang social media personalities na matagal nang magkarelasyon (hindi niya binanggit kung sino).

"There is a private person involved, hindi natin sila puwedeng i-involve kasi private individual… again, hindi natin sila puwedeng i-involve under the Marites code of the Philippines, kailangan nating protektahan ang kaniyang identity kahit nanira pa siya ng relasyon," paliwanag ni Xian Gaza.