To the rescue ang boyfriend na si Diego Loyzaga para sa kaniyang 'baby girl' na si Barbie Imperial.

Nakakaladkad kasi ang pangalan ng jowa sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, batay sa chismis na ipinakakalat ng mga Marites sa social media.

Ayon sa ilang mga Marites, si Barbie Imperial umano ang tinutukoy sa pa-blind item ng self-proclaimed na si 'Xian Gaza' sa inilabas nitong blind item, na diumano'y may isang influencer na nahuli ng jowa nito sa isang hotel, kayakap ang kama ng isang Star Magic talent.

Hula ng mga netizens, ang naturang babaeng kayakap ng influencer ay si Barbie Imperial, bagama't wala pang resibo o ebidensya kaugnay nito. Wala rin namang ingay o paliwanag ang naghiwalay na mag-jowa kung ano ba talaga ang malinaw na dahilan ng kanilang break-up.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nitong Nobyembre 17, ipinagtanggol na nga ni Diego ang kaniyang jowa.

"Don't get caught up in all that noise. It's just noise. My baby girl and I are chillin' So sit back, relax, enjoy life," wika ni Diego.

Screengrab mula sa FB/Diego Loyzaga

May be an image of 2 people, people standing and outdoors
Barbie Imperial at Diego Loyzaga (Larawan mula sa FB)

Mukhang hindi apektado si Diego sa mga intrigang umiikot at umuugnay ngayon sa kaniyang 'baby girl'.