Pinag-usapan ng mga netizens ang ibinahaging love letter ni Claudine Barretto sa kaniyang Instagram na ayon sa kaniya ay ibinigay sa kaniya noon ng yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan.

Ibinahagi ito ni Claudine sa kaniyang Ig account nitong Nobyembre 16. 'Hunny' pala ang kanilang endearment noon.

"Hunny, just wanted you to know that you are the best thing that has happened in my life. You are my life! While I watch you sleep, I can't believe (you're) mine. Thank you for being my rock! Ang hunny, you rock!" nakasaad sa liham.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa IG/Claudine Barretto

Marami naman ang naka-miss sa heartthrob.

"Nakaka-miss si Rico!"

"Grabe ang puso ko ang sweet huhu, talagang nano-notice Mami haha love you Mami Clau!"

"Oh my gosh! Kumakain ako tapos napasigaw ako sa kilig habang nagbabasa... super kilig! Babasahin ko 'yan nang paulit-ulit para kiligin nang paulit! Kapag sulat ni Rico to Claudine lang ako kinikilig... thanks for sharing, Ms. Claudine! More pa."

"OMG, it's really great that you keep this letter!"

Kaya lang, marami din naman sa mga netizens ang kumuwestyon kung tunay nga bang sulat-kamay iyon ni Rico, o kung galing ba mismo ito kay Rico. Naikumpara ito sa dating love letter na naibahagi na rin ni Claudine sa kaniyang Instagram account noon. Sabi ng mga netizens, parang magkaiba raw ang penmanship sa sulat dati sa sulat na ipinakita niya ngayon.

May isa pa ngang netizen na nag-abalang ipagkumpara ang dalawang liham (daming time!) upang maipakita ang pagkakaiba ang mga sulat-kamay.

"Ikinumpara ko ang dalawang sulat, LETTER A (2021 post) at LETTER B (2015 post), at napansin ko na magkaiba ang stroke (tama ba ang term ko) ng mga titik at salita. Kung aalisin mo ang salutation at signature, masasabi kong magkaibang tao ang sumulat. Cursive na curvy ang isa, habang print o block script ang isa,”

Chika pa niya, may isa pang letter si Rico na ipinost ni Claudine na hawig sa isa pang sulat ni Rico na inilabas ni Claudine.

“May isa pang posted picture ng sulat ni Rico (tatawagin nating LETTER C na posted noong 2016) si Claudine at makikitang pareho ang stroke nito sa LETTER B (masasabing ito ang consistent na handwriting ni Rico, cursive na curvy)."

Larawan mula sa IG/Claudine Barretto

Ayon pa sa kanya, habang nagba-browse daw siya ng mga larawan sa Instagram account ni Claudine ay may napansin siyang sulat ni Claudine para sa kanyang ina.

"Noong pinag-kumpara ko, napansin kong mas malapit ang stroke nito sa latest na sulat na ipinost niya (LETTER A, 2021 post). Again, kung aalisin ang salutation at signature, masasabi kong iisa ang sumulat, pero sabi nga Claudine sulat ni Rico ang LETTER A."

May netizen pa na nagsabing parang kagagawa pa lamang ng liham dahil mukhang bagong-bago pa ang papel.

May isang netizen din na sumita sa medyo sablay na grammar, knowing na Inglesero umano si Rico at nagtapos sa De La Salle University.

isang netizen ang direktang nagtanong pa kay Claudine, kung siya ba ang sumulat nito at sinabi lamang na mula kay Rico.

“No, not my writing," wika ni Claudine.