Aprubado na ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang paglalaro ng basketball, volleyball at iba pang mga contact sports.

Simula Huwebes, Nobyembre 18,maaari nangmaglaro ng paboritong sports na basketball at volleyball sa mga covered court sa lungsod matapos na luwagan pa ang COVID-19quarantine status sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.

Gayunman, mahigpit pa ring ipinatutupad sa mga manlalaro, organizers at mga opisyal na may partisipasyon sa laro ang safety at health protocols upang maiwasan ang hawaan ng sakit. Dapat ding bakunado ang mga ito.

Ipinagbabawal din ng city gobyenoang mga manonood at bystanders sa loob at labas ng court.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Paalala ng pamahalaang lungsod, dapat 70 porsyento lamang ang kapasidad sa outdoor venue at 50 porsyento naman sa indoor venue.

Dapat ding magbigay ng kaukulang detalye at mag-proseso ng Activity Pass sa barangay ang mga event organizers, game officials at venue operators sumabak bago sa laro.

Orly Barcala