Kung mukhang moved on na ang kakahiwalay lamang na mag-jowang sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, mukhang ang mga Marites ang hindi pa rin maka-move on nang tuluyan sa 'pagsasaliksik' kung sino nga ba ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa.

Matatandaang naunang maglabas si Alodia ng kumpirmasyong wala na sila ni Wil, sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 15.

"To those asking, wala na kame. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives," aniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/14/alodia-gosiengfiao-at-wil-dasovich-hiwalay-na/

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nitong Nobyembre 16 naman, isang simpleng litrato naman na may simpleng caption ang kaniyang ipinost.

"One step at a time," aniya. Bumaha naman ng mga encouraging words ang comment section, at mga mensahe na sana raw ay maayos pa nila ang kanilang relasyon, lalo't si Alodia ang kasa-kasama ni Wil noong mga panahong nilalabanan ng vlogger ang sakit na cancer.

Si Wil naman, may IG post tungkol sa pagmo-move forward, nitong Nobyembre 16.

"Keep moving forward, because there is no other option. You can rest, you can eat, sleep, pray, do what you need to do to find your strength, and then when you are ready we move again. We always move. If you stop moving, so does your life."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/16/latest-ig-post-ni-wil-dasovich-para-nga-ba-sa-ex-na-si-alodia/

"Simple, yet powerful words from my Sherpa friends."

Sa TikTok, nakakaladkad ang pangalan ni 'Genie-nga' na si Christine Samson, at Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Si Christine ay kaibigan nina Alodia at Wil at madalas pang makasama sa TikTok videos o vlogs. Bago makilala sa It's Showtime bilang si 'Genie-nga', isa siyang video game streamer.

Ngunit ang nakakapagtaka, bakit lumulutang ang pangalan ni Barbie Imperial sa isyu, gayong may Diego Loyzaga na siya? Marami sa mga netizens ang nag-uugnay sa kaniya kina Wil at Alodia, bagama't tahimik pa rin hanggang ngayon ang kakahiwalay na couple, sa tunay na dahilan ng kanilang split up. Walang kumpirmasyon mula sa kanila kung totoo nga bang third party ang dahilan ng kanilang nakabibiglang hiwalayan.

Screengrab mula sa TikTok

Screengrab mula sa TikTok

At nito ngang Nobyembre 16, nakadagdag pa rito ang pa-blind item ng 'Lalaking Marites' na si Xian Gaza, na karamihan sa hula ng mga netizens, ay sina Wil at Alodia umano.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/17/blind-item-ni-xian-gaza-sinetch-itey-na-isang-sikat-na-influencer-ang-na-caught-in-the-act/

Samantala, wala pa namang pahayag o reaksyon sina Christine at Barbie hinggil sa isyu at alegasyong ipinakakalat ngayon ng mga Marites sa online world.