Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na sa bansa ang nasa 36 stranded na mangingisdang Pilipino sa Fiji.

Sa pahayag ng DFA, ang mga nasabing mangingisda dumating sa Davao International Airport ang isang chartered flight kamakailan.

Ang mga nabanggit na mangingisda ay pawang tripulante ng Chinese-operated fishing boat na nakatakda na sanang umuwi ng Pilipinas nitong nakaraang Agosto 20.

Gayunman, hindi ito natuloy matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 19 sa mga ito.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Binigyan na ng ayuda ng pamahalaan ang mga nasabing mangingisda alinsunod na rin sa Alagang Kabayan project nito.

Bella Gamotea