Mahigit sa 3.2 milyong indigent senior citizens ang nakatanggap na ng social pension, ayon sa Departmentof Social Welfare and Development (DSWD) ngayong 2021.

Aminado si DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista na lumaki ang bilang ng benepisyaryong 3,203,731 ngayong taon kumpara noong 2015 na aabot lamang sa 930,222.

“Sa ilalim ng pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte, lumawak ang pagpapatupad ng Social Pension Program for Indigent senior citizens.

“Mula sa mahigit na siyam na raan at tatlumpung libong (930, 222) benepisyaryong natulungan noong 2015 katumbas ng mahigit na limang bilyong piso (P5.3B), ngayong 2021 nasa mahigit tatlong milyong (3,203,731) benepisyaryo edad animnapu (60) pataas na ang taunang nakatanggap ng kanilang social pension," paliwanag ng opisyal sa isang pulong kamakailan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Charissa Luci-Atienza