Nananatili pa ring paboritong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kabila ng hindi nila pagkakasundo sa pulitika.

Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aminin ng Pangulo na wala siyang alam sa naging desisyon ng anak na kumandidato sa pagka-bise presidente.

Sa pulong balitaan nitong Lunes, Nobyembre 15, ipinaliwanag ni Roque na sa kabila nito ay walang namamagitang problema sa mga ito.

“Wala naman pong problema sa samahan ng mag-ama.Ang sinabi lang niPreisdente, hindinagkonsultasi Mayor Sara sa kanyang mga political plans," sabi ni Roque.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Aminado aniya ang punong ehekutibo na nasaktan ito sa nangyari, gayunman, si Sara pa rin ang paborito niyang anak.

“Medyo siyempre nagtatampo kasi hindi nga siya nakonsulta, pero alam niyo po si Mayor Sara, paboritong-paboritong anak po ‘yan ng ating Presidente.

I assure you po, apple of his eyes si Mayor Sara sa paningin po ni Presidente.Wala pong kaduda-duda,nagmamahalan po ang mag-ama," aniya pa.

Sa isang YouTube interview nitong Linggo, ibinunyag ng Pangulo na hindi niya talaga alam ang naging pasya ng anak.

Hindi na rin aniya sila nag-uusap ng alkalde.

“Hindi ko nga malaman kung anong nasa utak. Hindi nga kami nag-uusap, eh.Hindi ko naman siya sinisisi kasi hindi naman kami nag-uusap. 'Yung desisyon nila ang ayaw ko na tatakbo siya," anang Pangulo.

Dahil dito, naghihila aniya siya na posibleng may kinalaman sipresidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa naging desisyon ng anak.

Argyll Geducos