Trending nitong Nobyembre 14 ng gabi ang isa sa mga kinagigiliwang housemates sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na si Daisy Lopez o mas sumikat bilang 'Madam Inutz', ang 'Mama-Bentang Live Seller ng Cavite'.

Isinagawa na kasi ang kanilang 3rd nomination night kung saan ang mga napabilang sa listahan ng mga nominado ay sina Chie Filomeno, Eian Rances, Benedix Ramos, at KD Estrada na pangatlong beses nang nano-nominate ng mga housemates.

Sina Madam Inutz at Samantha Bernardo naman ay nag-tie sa Head of Household o HOH Challenge kaya ligtas sila sa nominasyon.

Speaking of nomination, isa sa mga highlights nito ay ang trending na dahilan ni Madam Inutz kung bakit niya binigyan ng 2 points si Chie, nang i-reveal na ang kani-kanilang mga paliwanag.

Tsika at Intriga

John Arcilla, napa-'p*nyeta' sa mataas na presyo ng mga bilihin

"Binibigyan ko ng 2 points si Chie. Ready na siya, ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa, wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda."

Madam Inutz (Screengrab mula sa Twitter/@nikowl)

Binigyan naman niya ng 1 point si Kyle Echarri dahil para daw itong may katulong sa bahay at hindi umano tumutulong sa paglilinis.

Agad na nag-trend si Madam Inutz sa Twitter na karamihan naman ay pumabor sa kaniyang mga sinabi. Natuwa ang mga netizens dahil sa pagiging prangka, tapat, at straightforward ni Madam Inutz, na unang nakilala dahil sa nakakatawa, 'balahura', at 'palamura' niyang paraan ng pagsasagawa ng online selling.

"The real talk queen is finally here! May big winner na ako for this season, and for me it's Madam Inutz! Reality show pala ha?"

"I stan MADAM INUTZ for being straight to point HAHAHAHAHAHAHA yas girl that's our trash talk queen HAHAHAHAHA."

"Not a fan of any of the current nominees kaya I'm free to vote anyone this time. Gusto ko talaga mag-stay pa si Chie for more pasabog at bet ko pagsabungin sina Madam Inutz at Chie. This is the PBB I wanted to have. More bardahan, more fun."

"No one's perfect so does Chie Filomeno but she doesn't deserve all the hurtful words and hate you are throwing against her just because of what you see online. To Madam Inutz, magkaiba ang nagpapaganda sa nag-aayos for self-care."

"Advantage ni Madam Inutz na una siyang nakilala bilang real talk queen, nagmumura, at what you see is what you get, unlike the other housemates na goodie-goodie ang image dahil nga artista sila. Slay the real queen!"

"Nagpapakatotoo lang si Madam!"

May mga nagtanggol naman kay Chie laban sa mga netizens na 'below the belt' na ang mga sinasabi tungkol sa kaniya, kabilang na ang isang Twitter user na nagpakilalang kapatid niya na si Rio Filomeno.

"I’ve been receiving message from the fans of my sister to help her with the eviction night. And promise, it also hurts me to see you guys hurting knowing that she’s in danger of going outside the PBB house. We’ll do our best for you guys and especially to my ate."

"I like Chie, not a big fan, but I like her since she debuted on television. Despite the flaws and imperfections, I see her will power to survive no matter how, what, when, where—though sometimes she almost gave up. As a viewer, I can just simply relate to her."

"That statement gives a big impact about Chie grabe 'yun. Think before you speak, you should carefully examine the words you choose to say, until you're sure that it won't hurt someone!!!"

"Please know that Chie is beautiful. Keep that in your mind. We're just talking about Madam Inutz being matalak and straightforward when it comes to nomination."

Image
Chie Filomeno (Larawan mula sa FB/PBB: Kumunity Season 10)

Samantala, si KD Estrada naman ay nag-walk out matapos banggitin ng PBB main host na si Toni Gonzaga na sa pangatlong pagkakataon ay nominado siya.