Trending sa social media ang teaser ng 'Viral Scandal' dahil bukod sa napapanahong kuwento, bagay na bagay raw ang bagong tambalan nina Joshua Garcia at Charlie Dizon, na siyang bibida rito.

Lahat ng mga supporters ng dalawa ay nagkakaisa at sang-ayon na puwedeng-puwedeng pamalit ang kanilang chemistry sa tambalang John Lloyd-Bea Alonzo noon, na ngayon ay nasa parehong bakuran na ng Kapuso Network.

Hindi naman kaila na noong una pa lamang makita si Joshua sa screen, halos lahat ay nagsasabing look-alike daw nito ang dating Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.

Kaya naman agree ang network na siya ang bagong JLC ng Kapamilya. Puwede naman daw sabihing sila ni Charlie ang next John Lloyd at Bea?

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sey ng aktor, “Siyempre nakakakilig 'yun na ma-compare kami kina John Lloyd and Bea pero nakakahiya rin pag nalaman nila yun," sabay tawa.

Dagdag ni Charlie, "Nahihiya ako sa kanila, pero siguro thankful ako na 'yun ang nakikita ng mga tao. Pero at the same time nakaka-pressure din and sana makita rin nila kami bilang Charlie at Joshua."

Kahit nasa PBB pa ang aktor, maraming nakakapansin na sa looks, sa kilos at sa pananalita, John Lloyd Cruz na John Lloyd Cruz ang porma ni Joshua.

“Ilang beses ko na kasi narinig 'yun eh. Deja vu yung feeling. Kung sakali na ganun talaga iniisip nila, well siyempre thankful ako dahil siyempre mga mabibigat na artista 'yun di ba, kilala sa larangan ng pag-arte 'yun. So doon pa lang masaya na talaga ako. Ayun lang naman masasabi ko,” aniya.

Sa panayam naman kay Charlie, nasabi nitong nakasama siya sa Kapamilya seryeng "Bagani" noong 2018, na walang katambal. Proud daw makasama ni Charlie si Joshua sa serye. Pero sa ideyang gawing screen partner sina Joshua at Charlie, narito ang tugon ng dalaga.

“Yes why not kasi si Joshua nakakatulong naman talaga siya. " sey ng aktres.

"Ang dami kong naka-partner and lahat rin talaga sila naging mabait sa akin and naging giving. Lalo na nung nagsisimula pa ako, lahat ng naka-partner ko talaga tinulungan ako kahit hindi nila ako ka-love team talaga tinulungan [nila] ako. Kaya ang hirap sabihin kung sino ang the best pero sa ngayon talaga siyempre si Joshua yung ka-partner ko siya yung best talaga,” sey ni Charlie.

Si Charlie ay Best Film Festival Actress para sa pelikulang 'Fan Girl' na pinagtambalan nila ni Paulo Avelino, sa Metro Manila Film Festival noong 2020.

Mapapanood na ang kanilang teleseryeng 'Viral Scandal' ngayong Nobyembre 15, kapalit ng 'Huwag Kang Mangamba' ngunit sa dating timeslot ng 'Marry Me Marry You' sa Kapamilya Channel, TV5, at iba pang cable at digital platforms ng ABS-CBN.

Ador V. Saluta