Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang kasong graft na kinakaharap ni dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde kaugnay ng umano'y pangingialam sa ikinasang illegal drugs operation ng kanyang mga tauhan sa Pampanga noong 2013 kung saan hepe pa ito ng pulisya sa lalawigan.

Ipinaliwanag ng anti-graft agency, hindi sapat ang iniharap na ebidensya na magdidiin kay Albayalde sa anumang ginawa nitong paglabag sa batas.

Binigyang-diin ng Ombudsman na hindi lamang nakitaan ng butas ang mga iniharap na ebidensya laban kay Albayalde kundi nabigo ring maidiin ito sa pananagutang kriminal.

Pagdidiin pa ng Ombudsman, isa ring paglabag sa karapatan ni Albayalde ang paghahain ng amended complaint ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang hindi man lamang ito naabisuhan.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Nag-ugat ang kaso nang arburin umano ni Albayalde ang mga dati nitong tauhan na naaresto dahil sa pagsasagawa ng iligal na operasyon laban sa droga sa nabanggit na probinsya.

“On behalf of my family, I would like to extend my gratitude to all the people who have supported us through these trying times.It has been especially hard on my children who were immensely hurt by these false accusations,” ang bahagi naman ng social media post ni Albayalde matapos malaman ang pagkaka-dismiss sa kaso.