Pinag-uusapan ngayon sa social media ang 'cryptic comment' umano ng bagong Kapusong si Kuya Kim Atienza sa shared Facebook post ni Camille Prats, na co-host niya sa 'Mars Pa More'.

Proud na ibinahagi ni Camille ang Facebook post ng kaniyang kapatid na si John Prats, na opisyal nang naitalaga bilang bagong direktor ng 'FPJ's Ang Probinsyano' kung saan isa rin siya sa mga supporting actors. Nangyari ito sa mega welcome nina Coco Martin at iba pang mga ABS-CBN bosses kay Megastar Sharon Cuneta, na kasama na rin sa mas lumalaking cast ng serye.

"Kuya ko yaaaan!!!" caption ni Camille sa kaniyang shared FB post.

Nagkomento naman rito si Kuya Kim.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord no? Iniwas siya sa sakit ng ulo."

Screengrab mula sa FB/Camille Prats

Screengrab mula sa FB/Camille Prats

Bagama't as of this writing ay deleted na ang naturang komento, may mga netizens naman na nakapag-screenshot nito. Nakapagkomento at nakapagbigay naman ng reaksyon kaagad ang mga netizens tungkol dito. Espekulasyon nila na ang sinasabi umanong sakit ng ulo ni Kim Atienza ay ang pagdidirehe ng noontime show na 'It's Showtime' kung saan si John Prats ay naging direktor nio, lalo na sa segment na 'ReINA ng Tahanan' at 'Madlang Pi-POLL'. Trending pa nga ang pagsuong niya sa baha at sumakay npa sa truck ng kaniyang tatay para makarating sa studio.

Sa ngayon ay pansamantala muna niyang iiwanan ang It's Showtime upang gawin naman ang tungkulin niya bilang bagong direktor ng FPJ's AP, lalo't nadagdagan sila ng mga cast members, at syempre, kasama pa rin siya sa mga gumaganap. Kailangan niya kasing mag-lock-in taping.

Tanong ng marami, isa rin ba siya sa mga may di-magandang karanasan sa naturang show, lalo't magkakaibigan sila ng dating direktor nitong si Direk Bobet Vidanes, at isa sa mga hosts nito na si Billy Crawford, na kasa-kasama niya sa bicycling?

Matatandaang naglabas ng pahayag si Direk Bobet, sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng 'Lunch Out Loud', na kaya umano siya umalis sa dating show at network, ay dahil 'mamamatay siya nang maaga' dahil sa stress. Lumabas na ang mga isyu na umano'y may mga 'nagmamagaling' sa naturang show at minsan ay naba-bypass na siya bilang direktor, kaya pinili na lamang niyang umalis. Lumipat siya sa kalaban ng It's Showtime na LOL bilang direktor at creative consultant nito.

Noong 2018, umalis sa It's Showtime si Kuya Kim bilang isa sa mga hosts para umano magpokus sa pagiging 'knowledge expert' niya. Siya ang trivia master at weatherman sa 'TV Patrol' at may award-winning educational show din siya na 'Matanglawin'.

Nitong 2021, ginulat ni Kuya Kim ang mga Kapamilya fans nang mamaalam na siya sa TV Patrol dahil lumipat na siya sa Kapuso Network. Ilang araw lamang, napanood na siya sa 24 Oras. Habang tumatagal ay dumarami ang TV appearance niya sa mga Kapuso shows, at recently nga ay kasama na siya sa 'Mars Pa More' nina Iya Villania at Camille Prats. May show rin siya sa GTV na 'Dapat Alam Mo'.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag si Kuya Kim hinggil sa alegasyon ng mga netizens na patutsada ito sa dating noontime show na kaniyang kinabibilangan.