PUERTO PRINCESA CITY, Palawan - Nailigtas ng mga Vietnamese rescuers ang dalawang mangingisdang Pinoy habang naaanodsakay ng nasiraang bangka malapit sa Pugad Island sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.
Sa naantalang report ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang dalawang mangingisda ay nai-turnover na sa Philippine government nitong Huwebes, Nobyembre 11.
Ang mga ito ay kinilalang sinaBenjamin Jimlan Abdulla, 36 at Crisanto Civillia Misa, 43.
Sa pahayag ng Vietnam Fisheries Resources Surveillance (VFRS) team, natagpuan nila ang dalawa habang naaanod patungong timog kanluran malapit sa nasabing isla ng WPS nitong Nobyembre 9.
Idinahilan nina Abdulla at Misa, pumalya ang kanilang makina ng kanilang bangka habang nangingisda sa lugar.
Binanggit naman ng Joint Task Force West (JTFW), pinakain muna ng Vietnamese rescuers ang dalawa at binigyan ng damit bago nila inihatid sa mga sundalong naka-base sa Parola Island.
“Western Command is extending our heartfelt gratitude to Vietnam and to their personnel in Pugad Island for their kind humanitarian assistance to our fishermen,” pahayag naman niWESCOM commander Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez.
Aira Genesa Magdayao