Sa vlog na in-upload sa Youtube nitong Biyernes, Nob. 12, ibinahagi ng SB19 member na si Josh Cullen Santos ang isang pangarap na kanyang natupad.

“Nandito tayo ngayon sa isang car dealership store…For the first time ever, bibili na ‘ko ng sasakyan. Finally!” sabi ni Josh na mahahalata ang magkahalong emosyong nararamdaman.

“Ito na po ang pinakahinihintay na moment. ‘Yung ano [pintig] ng dibdib ko, talagang kinikilabutan ako kasi ang mahal!” pabirong segunda ng main dancer ng SB19.

Sa tinatamasang tagumpay ng grupo, ani SB19 Josh, hindi pa rin makapaniwala na mabibili niya ang dati niya lang pangarap na sasakyan.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

“Hindi ko sinabi sa family ko. Sa mga ka-grupo [SB19] na bibili na 'ko ng sasakyan ngayong araw. Gusto ko maging surprise siya dahil ito yung unang pangarap ko na mabili—years na pinaghirapan ko,” emosyonal na pagbabahagi ni Josh.

Nabili ni Josh ang isang puting premium luxury line ng Geely na Azkarra.

Kasunod na ibinahagi ng pop artist kung bakit niya pinili ang naturang sasakyan bilang kauna-unahan niyang “baby.” Plano agad niyang mag-long drive kasama ang kanyang brand new car.

“Gusto ko rin talaga mag long drive para maging free ako para pumunta ako sa mga gusto kong puntahan, kasi lagi akong grab, jeep ganun. Ngayon, gusto ko talaga sa Subic, Baguio,” ani Josh.

Umaasa si Josh na hindi ito ang huling sasakyan na mabibili niya para sa sarili.

Hindi lingid sa fans ng SB19, ang A'tin, ang mahirap na naging buhay ni Josh bago ang tinatamasang kasikatan ngayon. Sa marami nang mga panayam, ilang beses na kinuwento ng SB19 main rapper ang paghihirap na dinanas upang ihakbang ang sariling mga paa sa tagumpay.

“Thanks to all of the discouragement words I have received from you know who you guys are. You made me more hungry,” ani Josh sa kanyang Facebook post.

“Yun yung mga masasarap na abutin na pangarap, yung imposible.”