Wala pa ring kumpirmasyon mula mismo kay Nadine Lustre kung ano ba talaga ang real score sa pagitan nila ni Christophe Bariou.

Batay sa kanilang mga larawan together, ayon sa mga Marites ay mag-jowa na sila. Mukhang 'what you see is what you get' ang peg ni Nadine Lustre na may kinalaman sa kaniyang buhay pag-ibig.

Kahit walang sabihin, ayon sa mga netizens ay makikita naman na mas malalim pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanilang dalawa. Kaya naman, lungkot na lungkot ang mga JaDine fans sa pag-asam na muling magkakabalikan sina James Reid at Nadine Lustre, na naghiwalay na nga, pati na sa tambalan nila.

BASAHIN: Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/26/nadine-lustre-at-kaniya-umanong-bagong-boyfriend-spotted-sa-siargaop>

Nitong Nobyembre 7 ay ibinahagi ng ama ni Nadine na si Ulysses Lustre sa Facebook post nito ang family bonding nila; at naispatan ng mga mapanuring mata ng mga Marites na kasama ang rumored boyfriend ni Nadz. May simpleng caption itong 'Getting fat 101'.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nananatili mang tahimik si Nadine kung ano ang papel ni Christophe sa buhay niya, batay sa mga litratong ibinahagi ni Mr. Lustre ay mukhang okay sa kanila ang French businessman na may-ari ng isang resort sa Siargao.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/10/christophe-bariou-ka-bonding-na-ang-pamilya-ni-nadine-lustre/

Hindi ito ang unang beses na napabalitang magkakasama sila. Agad umanong binura ni Mr. Lustre ang kaniyang Facebook post noon, na sinasabing kasama nga nila sa isang salusalo si Christophe at pormal na ipinakilala sa kanila ni Nadine.

Nitong Nobyembre 12, sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi ni Nadine sa kaniyang IG story ang litrato ni Christophe, na nang sumulyap sa tila camera ay agad ding nawala.

Christophe Bariou (Screengrab mula sa IG/Nadine Lustre)

Christophe Bariou (Screengrab mula sa IG/Nadine Lustre)

Christophe Bariou (Screengrab mula sa IG/Nadine Lustre)

Ito ang unang beses na nag-upload siya ng larawan ng 'rumored bf' sa kaniyang IG story.

Anyway, busy na ulit si Nadine para sa upcoming movie niya na 'Greed' katambal si Diego Loyzaga, na ipo-produce ng Viva Films.