Dinagdagan ng Commission on Elections (Comelec) ang matatanggap na honoraria at iba pang allowances ng mga indibidwal na magsisilbi bilang poll workers sa May 9, 2022 elections.

Kasunod na rin ito ng mas mahabang voting hours sa halalan sa susunod na taon dahil na rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa isang resolusyon na nailabas ng Comelec noong Nobyembre 10, gayunman, isinapubliko lamang nitong Biyernes, nabatid na ang chairman ng electoral board (EB) ay makatatanggap ng P7,000 para sa kanilangserbisyo sa halalan.

Ang mga miyembro naman ng chairman ng tatanggap ng tig-P6,000 habang tig-P5,000 naman ang tatanggapin ng DepEd Supervising Official (DESO).

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Ang mga magsisilbi namang support staff at medical personnel, na isang bagong kategorya, ay tatanggap ng tig-P3,000.

Bukod sa naturang honoraria, tatanggap din ang chairman ng EB, kanyang mga miyembro, DESO, at support staff ng tig-P2,000 travel allowance, na mas mataas sa 2019 rate na P1,000 lamang.

Ang mga medical personnel naman ay tatanggap ng P1,000 travel allowance sa mismong araw ng halalan.

Ang mga DESO at support staff naman ay makakatanggap rin ng P1,500 communication allowance.

Bukod dito, tatanggap din ang bawat poll worker ng P500 na anti-COVID-19 allowance. 

Mary Ann Santiago