Mahigpit na tinanggihan ng dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr., kandidato sa pagka-pangulo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang ideya o planong hatian o term-sharing sa pagitan niya at ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Hindi rin pabor si House Majority Leader Martin Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD, sa pinalulutang na hatian ng termino sakaling manalo si Marcos bilang pangulo at Duterte-Carpio bilang bise-presidente sa 2022 national elections.

“That is not a good formula for stability. The reason why the six years is because we want some stability in the policies of the government and if we change government every three years which is effectively what the term sharing scheme is you’re saying will do, then urong-sulong na naman tayo,” sabi ng dating senador.

Matatandaang nagkaroon din ng hatian ng termino sa Kamara sa pagitan ninaRep. Alan Peter Cayetano at Rep. Lord Allan Velasco matapos na "imbentuhin" ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa Speakership issue ng mga ito.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Bert de Guzman