Nagbabala sa publiko si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire laban sa mga unauthorized booster shots.

Sa isang online media forum, sinabi nito na walang pananagutan ang gobyerno kung magkakaroon man ng hindi inaasahang epekto ang mga bakuna.

Dagdag pa ni Vergeire na natatanggap ng kanilang departamento ang mga ulat na nagsasabing mayroong nagbibigay ng booster shots kahit wala pang emergency use authorization o EUA.

Aniya, “The ones accountable will be the ones who gave you those vaccines and those who have sourced out these vaccines.”

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

“So, just to remind everybody to wait for this EUA for the guidelines from the national government, hindi po ito para i-restrict kayo, hindi po ito para i-control ang paglabas ng bakuna para sa mga ganitong gawain, ngunit para po masiguro ng gobyerno na ito po ay magiging ligtas at magiging effective para sa ating mga kababayan,” ani Vergeire.

Nanawagan naman siya sa iba't ibang grupo na nagpapakalat ng impormasyon na ang hindi pagbibigay ng booster shots ay maaaring magpalala sa pagkalat ng COVID-19.

Dagdag pa ni Vergeire, makakadagdag lamang ito ng kalituhan sa publiko.

“Base sa ebidensya at base sa mga pag-aaral na ginagawa ng mga eksperto and even based on the experiences now happening in other countries where there are again increases in their cases, the unvaccinated ang nakakakapag-cause po ng kaso sa isang bansa hindi po yung kakulangan ng boosters,” saad niya.