Nakarating sa TV host ng “Wowowin: Tutok to Win” na si Willie Revillame ang naging pahayag ng nagbabalik-Kapusong si John Lloyd Cruz sa recent contract signing nito na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel. Hinggil ito sa sinabi ng aktor sa interview na nais niyang maging bahagi ng show ni Willie.

As all we know last June 6 ang unang comeback sa TV ni John Lloyd. Sa pamamagitan ni Willie Revillame, naisama siya sa isang big event ng sikat na local online shopping app na inere sa GMA-7. Ganoon na lamang ang mangiyak-ngiyak na pasasalamat ni JLC kay Willie during that time.

Pinag-usapan nang husto sa showbiz industry ang pagbabalik ni John Lloyd lalo na ng kanyang mga fans, na talaga namang natuwa. Dahil doon, ninais na ni Willie na maging guest co-host ang mahusay na aktor sa kanyang show. Umabot pa nga noon na hinikayat ng TV host on air si John Lloyd na maka co-host niya sa isang segment nila na beauty contest. Yun lang, naghintay sa wala ang mga taong tagasubaybay nito dahil walang John Lloyd silang nakita sa show.

Kaya nitong Miyerkules, Nobyembre 10, tila nagsambit ng isang paghamon ang TV host kay John Lloyd sa kanyang nabalitaang gustong mag-host daw ng mahusay na aktor sa kanyang show.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ani Willie, “Kahapon daw sa interview ni John Lloyd dahil siya ay gagawa ng sitcom dito, sa interview niya kahapon nagsalita raw si John Lloyd na gusto raw niyang mag-host ng “Wowowin: Tutok to Win.” O panindigan mo 'yan, sige mag-host ka. Pinapayagan kita kung gusto mo sige mag-host ka rito. Sinabi mo 'yan sa interview mo ha. I dare you.”

Malamang, aabangang muli ng mga tao si John Lloyd sa show ni Willie Revillame bukod sa gagawin niyang sitcom na “Happy Together” sa GMA-7. Yun na!