Tinatayang nasa 1,000 estudyante na may edad 12 hanggang 17, ang nakatakdang bakunahan sa mass private school pediatric inoculation sa Pasig City nitong Huwebes, Nobyembre 11.

Ang pagtutulungan ng Pasig City government at Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA), na mayroong 100 private school members, ay naglalayong mabakunahan ang 1,000 estudyante mula sa paaralan ng PAPRISA.

Tatlong vaccination sites ang itinalaga para sa pediatric vaccination -- Pasig Sports Center, Tanghalang Pasigueño theatre, at Buting Elementary School.

Isasagawa ang pagbabakuna sa mga lugar na ito simula 2 p.m hanggang 4 p.m. Lunes hanggang Biyernes.

National

Walang naitalang nasawing Pinoy sa Myanmar, Thailand dahil sa M7.7 na lindol – DFA

Nasa 3,500 na estudyante ang nagparehistro para sa programa base sa listahan ng PAPRISA. Nasa 1,000 estudyante ang tinatarget na mabakunahan kada iskedyul.

Samantala, ipagpapatuloy pa rin ng Pasig Schools Division Office (SDO) at Department of Education (DepED) ang pagbabakuna sa mga public school students bilang parte ng public school program na inilunsad noong Nobyembre 3.

Sa huling datos noong Nobyembre 8, nasa 7,763 na mga menor de edad ang nabakunahan na laban sa COVID-19, 81 sa mga ito ag fully vaccinated na.

Seth Cabanban