May 31, 2026

Home BALITA Probinsya

Kanlaon, 3 minutong nagbuga ng abo!

Kanlaon, 3 minutong nagbuga ng abo!
Photo courtesy: via MB


Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Mayo 31, ang mataas na aktibidad ng Bulkang Kanlaon, kabilang na ang pagbuga nito ng abong umabot sa tatlong minuto.

Batay sa ulat na ibinahagi ng PAGASA, ilan din sa mga parametro ng bulkan ay ang 18 volcanic earthquakes at pamamaga nito.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang Kanlaon.

Samantala, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Nagpaalala rin ang ahensya hinggil sa posibleng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions ng bulkan—kasama rin ang kauwiang pagputok nito ng magma.

Matatandaang kamakailan, napaulat ang pagbuga Kanlaon ng abong aabot sa 1200 metro ang taas.

MAKI-BALITA: Kanlaon, bumuga ng abong aabot sa 1.2km ang taas-Balita