Vice Ganda is really back!

Matapos ang matagumpay niyang concert na 'Vax Ganda: A Dose of Laughter' noong Oktubre 5 and 16, 2021 na ginanap sa Pechanga Resort Casino sa Los Angeles, California, USA, balik-Pilipinas na nga ang 'It's Showtime' host na binigyan pa ng pa-welcome ng kaniyang mga co-hosts nitong Nobyembre 8.

Kasama niya ang kaniyang boyfriend na si Ion Perez. Ipinakita nito sa mga vlogs kung saan sila nagpunta ni Vice matapos ang concert. Sinamantala na nila ang pagkakataon upang makapamasyal sa Amerika. Nakranasan nila na parang normal na roon, bagama't nakasuot sila ng face masks.

Pero syempre, hindi siya tatawaging 'Unkabogable' kung wala lang.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinag-uusapan ngayon sa TikTok at iba pang social media ang kaniyang mensahe sa mga bashers niya.

Screengrab mula sa TikTik/Vice Ganda

"Oh my gosh... ang fresh ko ngayon! And I realized, ang laki pala talaga ng inimprove ng hitsura ko dati no (habang umaawra-awra sa camera). And I also realized, upon checking my checkbook, and I realized mas marami pala akong pera ngayon. Mas yumaman pala ako this year. And also, I checked my room, nandoon pa ang jowa ko. Nagpapahinga. Yes, kami pa rin, masaya pa rin kami, 3 years na!"

"And earlier, I checked on my mom, sabi ng nanay ko, sobra daw siyang happy kasi kagagaling lang namin sa Amerika, at sobra daw siyang nag-enjoy kaya ang saya-saya niya."

"And also, I checked from my handler, may mga bago pala akong awards, oh my God... ang dami ko palang bagong achievements..."

At maya-maya, bumaling na siya sa kaniyang mga bashers na walang humpay na naninira sa kaniya.

"Now I wanna check on my bashers. How are you guys? Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati? May jowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay n'yo? Pamilya n'yo? Okay ba kayo? May mga bago ba kayong achievements? Ha? Hindi?! Shit, ang lungkot no'n ah!" aniya habang siya ay nasa biyahe.

Maya-maya, tila inutusan niya ang kaniyang driver at inutusan itong dumaan sa simbahan dahil ipagdarasal daw niya ang mga bashers niya.

"Ipagdarasal ko lang ang mga bashers ko... para umasenso naman, kawawa eh."

Umani naman ito ng iba't ibang mga reaksyon mula sa mga netizens.

"Burn ang mga bashers!"

"Ganyan ang komedyante, natutuwa ang tao sa nilalait niya samantalang may isang taong kawawa."

"Wow ah? Coming from you? Eh nanlalait ka nga ng kapwa mo eh para lang makapagpatawa?"

"Yabang naman!"

"Hahaha go Meme Vice. Isampal mo ang katotohanan sa mga basher's mo."