Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga yumaong magulang na sina Vicente at Soledad Duterte sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City nitong Lunes, Nobyembre 8.

Kasama ng pangulo ang kanyang longtime friend at aide na si Senador Christopher "Bong" Go. Si Go ang vice presidential bet ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa May 2022 elections.

Ang Vicente ay dating gobernador ng Davao Province habang si Soledad ay isang guro at respetadong local civil leader. 

Bago maging presidente noong 2016, nanilbihan bilang Davao City mayor si Duterte.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Raymond Antonio