Matapos sagutin ni Ogie Diaz ang patutsada sa kaniya ni BB Gandanghari na 'zero credibility' daw siya pagdating sa mga showbiz chikas, sinita naman ng showbiz columnist-talent manager ang pagba-vlog nito habang nagmamaneho gamit ang isang kamay lamang.

Makikita kasi sa vlog ni BB Gandanghari na habang nagba-vlog siya ay nagmamaneho siya. Umaandar ang kaniyang sasakyan sa background at makikita ang iba pang mga sasakyang humahagibis.

"Pinanood kita, BB ah… aliw na aliw ako sa 'yo, pramis! Wa echos! Una, naloka ako ha. Hoy BB! Heto ah, gusto ko lang sabihin sa 'yo, makinig ka…" seryosong banat ni Ogie.

"Hoy BB, seriously ah, grabe, hindi namin kaya 'yun, yung nagla-live ka o nagba-vlog ka, na yung isang kamay mo nasa manibela, tapos yung isang kamay, nakaganyan ka," na ang tinutukoy ay ang pagkakahawak ni BB sa selfie stick kung saan nakalagay ang gadget na ginagamit niya noon sa pagba-vlog para sa birada ni Ogie Diaz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Nagba-vlog ka habang nagmamaneho, nakakaloka ang mga comment, hoy baka mamaya mamisinterpret mo yung pagmamalasakit nila, lalo na kami ah… huwag mo nang gagawin 'yan next time. Baka kasi may ibang gumaya sa 'yo, na habang nagba-vlog o nagla-live ka, eh nagmamaneho ka eh baka madisgrasya ka," pahayag ni Ogie.

Saad naman ng kaniyang co-host na si Mama Loi, "Baka naman sabihin niya Nay na naiinggit ka lang kasi nakakapag-vlog siya habang nagda-drive…"

"Eh 'di… ikaw na!" pabirong sabi ni Ogie at nagkatawanan sila. "Hindi ko kaya 'yan, ikaw ang may kakayanan niyan…"

Pagpapatuloy pa ni Ogie, "Hindi… kasi nakakaloka lang 'di ba, syempre, tayo naman nangangamba para sa kaligtasan niya, oo, kahit na galit ka sa amin, ang iisipin ko pa rin ay ang kaligtasan mo BB, na hindi mo na dapat ginagawa 'yun, gawin mo 'yan sa bahay mo…"

"Huwag na habang nagmamaneho ka nagba-vlog ka, paano kung mabangga ka, ako pa ang sisisihin ng mga fans mo, oh 'di va, kasi tungkol sa akin yung kinukuda mo 'di ba?"

Nabanggit din ni Ogie ang tungkol sa 'closeness' nila dati ni Rustom Padilla. Simula raw nang maging BB Gandanghari ito, hindi na sila nag-uusap, at hindi niya alam kung bakit at anong nangyari sa kanilang dalawa.

"Alam naman natin 'di ba… Rustom is dead, huwag na nating dagdagan…" at nagkatawanan ulit sila. "Hindi, pero seriously speaking, huwag mo nang gagawin 'yun ah (habang minumuwestra ang paghawak ng selfie stick habang nagmamaneho), paano ka susundin nina Kylie at ni Aljur, kung ikaw mismo naggagaganyan ka 'di ba? Hindi mo mahal ang sarili mo."

Handa naman umanong makipag-ayos si Ogie kay BB, kung hindi ito magsasara ng pinto para sa kaniya, kahit na hindi mangialam dito ang kaniyang kumpare at kapatid nitong si Robin Padilla.

Samantala, wala pa namang sagot dito si BB Gandanghari.