Sinagot na ni showbiz columnist at talent manager Ogie Diaz ang mga pahayag laban sa kaniya ni BB Gandanghari na wala raw siyang kredibilidad, 'as in zero credibility', kaya nagtataka umano ito kung bakit may nanonood pa sa kaniyang mga showbiz vlogs.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/04/bb-gandanghari-sinupalpal-si-ogie-diaz-may-karapatan-daw-na-magpayo-sa-pamangkin/">https://balita.net.ph/2021/11/04/bb-gandanghari-sinupalpal-si-ogie-diaz-may-karapatan-daw-na-magpayo-sa-pamangkin/

Sa pamamagitan ng kaniyang showbiz vlog na 'Showbiz Update' nitong Nobyembre 7, sinagot ni Ogie ang birada sa kaniya ni BB, na wala siyang kredibilidad sa paghahatid ng mga showbiz chikas.

Aniya, napatunayan umano niya na may kredibilidad siya, dahil nasabi na niya noon sa dati niyang vlogs na wala nang magandang sasabihin patungkol sa kaniya si BB, sabay pakita nga ng clips nito noong October 27 episode nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Dito ko napatunayan na meron akong credibility," sabi ni Ogie.

"You know, why? Kasi nasabi na naman na natin dito na, 'Diyos ko, si BB pa, eh wala namang magandang sinasabi 'yan tungkol sa akin. So inexpect ko na 'yan na titirahin niya 'ko, hayan oh, nangyari na. Tinitira ako, eh 'di tama ako," natatawang pahayag pa ng showbiz columnist.

Mas magtataka pa umano siya kung pinuri siya ni BB.

Tugon naman niya sa sinasabi ni BB kung bakit may mga nanonood pa sa kaniya:

"Hayaan mo na… may kaniya-kaniya tayong audience, BB."

"Kung wala akong kredibilidad para sa ‘yo, so be it! Wala akong kredibilidad para sa ‘yo. Happy? Gusto ko happy ka!”

Nilinaw ni Ogie na hindi siya galit kay BB. Sa katunayan nga raw ay aliw na aliw siya sa vlogs nito, at aminadong pinapanood niya.

Namimiss daw niya tuloy si 'Rustom Padilla' na dating katauhan ni BB Gandanghari. Pabiro pa niyang sinabi na mas maganda si BB sa kaniya at may 'credibility' itong mag-endorso ng mga beauty products.

May huling mensahe naman si Ogie para kay BB.

"Hindi ako galit sa iyo. Kung galit ka sa akin, choice mo 'yan. Ako, choice kong hindi magalit sa 'yo. Mahirap may karga," aniya.

Nag-ugat ang lahat ng ito sa reaksyon ni Ogie Diaz laban kay BB. Ayon kay Ogie, dapat ay pinapayuhan muna ni BB ang sarili mismo na itago ang 'dirty linens' ng mga pansariling isyu sa social media, kaugnay ng naging 'unsolicited advice' niya sa pamangkin na si Kylie Padilla, sa isyu ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/24/bb-gandanghari-kina-kylie-at-aljur-try-to-keep-your-dirty-linens-in-the-washroom/">https://balita.net.ph/2021/10/24/bb-gandanghari-kina-kylie-at-aljur-try-to-keep-your-dirty-linens-in-the-washroom/