Pinuputakti ngayon ng 'malisyosong' mga komento sa social media ang mga litrato ng influencer-vlogger na si Kimpoy Feliciano, matapos silang maispatan ng mga Maritess na magkasama at parang sweet pa sa isa't isa.

Sa social media posts ni Kimpoy nitong Nobyembre 8, tila nagtungo silang magkakaibigan sa Tinipak River sa Tanay, at isa sa mga litrato na kaniyang ibinahagi, kasama niya si Heaven Peralejo.

"It's not the place, it's always the people," saad ni Kimpoy sa caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo (Larawan mula sa IG)

Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo (Larawan mula sa IG)

Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo (Larawan mula sa IG)

Marami ngayon ang naiintriga kung sila na raw ba ni Heaven? Spotted din kasi siya sa litrato ni Heaven nang mamasyal ito sa Siargao. Doon din kinumpirma ni Heaven na hiwalay na sila ni Kiko Estrada.

"Para sa mga rude sa comment section, magkaibigan kami ni Heaven,” paliwanag niya.

“If you're judging the person based on the things you only know from the internet, that’s on you. Sana kilalanin n'yo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga.”

“Also, hindi po kami ni Anghet and wala naman pong masama kung may iba akong mga kasama (heart emoji).”