Pinaiyak na naman ng award-winning singer na si Adele ang kanyang fans sa bago nitong kantang ipinakinig sabay sa Amazon holiday commercial.

Ang kanta niyang ito ay pinamagatang "Hold On" at parte ng album na "30."

Tungkol ito sa paglaban sa anxiety lalo na ngayong pandemya.

Sa commercial, mapapanuod ang isang babae na nasa gitna ng problema at kaguluhan ngunit natagpuan nito ang sariling kapayapaan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

"I swear to God I'm such a mess, the harder I try I regret. Every day feels like the road I'm on, might just open up and swallow me whole. Let time be patient. Let pain be gracious. Just hold on, just hold on. I will survive," lyrics mula sa kanta.

Ang full album ni Adele na "30" ay nakatakda pang ilabas sa darating na Nobyembre 19.

Matatandaan na noong Oktubre 15, ipinarinig ni Adele sa publiko ang single nitong "Easy on Me."