Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na handa na ang Kamara sa pagbubukas ng sesyon ngayon (Lunes) para pagtibayin o iratipika agad ang ₱5.024 trilyong pambansang budget para sa 2022.      

Bibigyan din aniya ng prayoridad ng Kapulungan ang pagtalakay sa mga panukala na suspendihin o bawasan ang fuel excise taxes sa mga produktong petrolyo.

Inulit niya ang commitment na maipasa sa tamang panahon ang national budget kasabay ang paghimok sa Senado na aksiyunan agad ang budget upang hindi magkaroon ng reenacted budget sa 2022.

“Our commitment is to ensure that the budget bill, which is focused on getting the Philippines back on the road towards full recovery from the COVID-19 crisis, reaches President Duterte’s desk before the yearend,” pahayag nito.

National

LPA sa loob ng PAR, nabuo na bilang bagyong 'Igme'; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

Tiniyak naman ng Senado na hindi nila papayagang magkaroon ng reenacted budget sa 2022 kahit ang kalahati ng mga miyembro nito ay abala sa precampaign activities para sa halalan 2022.

Bert de Guzman