Nagkataon lang ba o talagang nagpalitan ng Instagram stories ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos?

Ilang raw ang nakakaraan, nag-post si Yen sa Instagram ng isang selfie clip kalakip ang mga text na: “do you floss though? [nakangiting mukha na may kasamang smiling eyes emoji].”

Ngayong Lunes, Nob. 8, nag-upload naman ng larawan si Paolo sa kanyang Instagram at ang caption nito ay: “Nag suklay, pero di nag floss…[kalakip ang isang emoji na naiyak sa tawa].”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ilang netizens ang naniniwalang nagpalitan ng inside jokes ang dalawa.

Matatandaang hindi na muli naging active si Yen sa social media matapos makaladkad sa hiwalayang Palo at LJ Reyes.

Sa katunayan, binura ng aktres ang lahat ng kanyang Instagram posts matapos idawit at sabihing “third party” siya sa nangyaring split ng Kapuso real-life couple.

Stephanie Bernardino