Dinalaw ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca ang Grab driver na nadamay sa paghabol sa kaniya ng mga pulis noong Oktubre, dahil sa hindi niya paghinto nang habulin siya ng mga ito.

Makikita ang kaniyang pagdalaw sa ibinahagi niyang Instagram post nitong Nobyembre 7, 2021, kasama ang Grab driver na si Eleazar Martinito.

"Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Eleazar Martinito ang Grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan," ayon sa caption ni Jake.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Jake Cuenca at Eleazar Martinito (Larawan mula sa IG)

"Taos-pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita."

"Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya. Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho."

"Nandito lang ako para sa’yo Ely!"

Ipinawalang-sala naman si Jake ng kapulisan at pinauwi rin matapos ang imbestigasyon ng araw na iyon.