Hinandugan ng isang sweet message ng sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi ang kaniyang ina na si Fatima Marbella para sa kaniyang kaarawan.
Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 8, pinuri niya ang kaniyang mama na sa palagay na siyang nagturo sa kanilang magkakapatid kung paano maging malakas, matatag, mabuti ang puso, at mapagbigay.
"You are that one person who never stopped believing in me and in my dreams. Thank you for raising us to be strong, kind hearted and giving as you are," caption ni Ivana sa kaniyang Instagram post.
"You are the best mom."
"Happy birthday mama. I love you."
Inilakip niya sa naturang IG post ang kanilang mga throwback photos.