Napapa-'sana all' na lamang ang mga netizens sa mga sweet photos na ibinabahagi ng mag-jowang sina Enzo Pineda at Michelle Vito sa kanilang mga social media accounts.

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang latest Instagram post ni Enzo kung saan makikitang nakakandong siya sa gf na si Michelle, at may caption itong 'Her baby damulag'. Todo-yakap naman si Michelle kay Enzo.

Michelle Vito at Enzo Pineda (Screengrab mula sa IG)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Michelle Vito at Enzo Pineda (Screengrab mula sa IG)

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

"Sabi na eh kayo talaga sa isa't isa simula noong teleserye na 'Nang Ngumiti ang Langit'."

"Michelle, hindi 'yan kakawala hehe sa 'yo lang siya."

"Kaya mo pa ba, Michelle? Parang ang bigat ni Enzo."

"Sarap talaga pag nahahawakan mo yung mahal mo."

Sa isa pang Instagram post, ipinakita ni Enzo na kasama si Michelle sa birthday celebration ng kaniyang ina.

Nagkasama sa daytime teleseryeng 'Nang Ngumiti ang Langit' sina Enzo at Michelle at doon na rin sila nagkakilala, sa panayam kay Michelle ng ABS-CBN noong 2020.

“Nag-start kami lumabas po after na noong show," pag-amin ni Michelle.

Napa-oo raw siya kay Enzo dahil sa consistency nito.

"During noong ligaw stage namin, siguro nakita ko talaga sa kanya 'yung consistency niya sa pagsuyo sa akin. Then kapag every time na niyaya niya akong lumabas — siyempre noong una ayaw ko pa, ilang beses ako nag-no na huwag muna, pero siya tuloy-tuloy lang siya — nakita ko 'yung patience niya na hindi siya sumuko. Hindi porke't nagsusungit ako ay ayaw na niya. So I think isa 'yon sa mga nakita ko na pwede siya."

“Siyempre important 'yung consistency ng tao at 'yung pasensiya niya sa iyo. Siyempre hindi naman palaging okay ang relationship n'yo. So doon pa lang sa ligaw stage ay tinest ko na siya and hanggang saan niya ako maiintindihan."