Nag-motorcade sa Ilocos Sur ang libu-libong riders bilang pagsuporta kay dating Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pagkandidato nito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Dakong 5:00 ng madaling araw, nagtipun-tipon na ang mga supporters ng dating senador na pawang nakasuot ng pula na signature color ng mga Marcos.

Mula Sinait, tinatayang 125 kilometro pa ang tinahak ng mga taga-suporta ni Marcos bago narating ang Tagudin.

Naokupa rin ng tinatayang 2,000 Marcos loyalists ang 465 metrong Banaoang bridge sa Santa, Ilocos Sur.

Probinsya

Babaeng, mag-eenroll ng dalawang anak, patay matapos pumailalim sa bus

Ayon naman sa mga political analyst, ikinokonsiderang balwarte ng mga Marcos ang Ilocos region o "Solid North." Binubuo ng apat na lalawigan ang rehiyon--Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte. 

Naiulat na isa rin sa matatag na taga-suporta ng pamilya Marcos ang Cagayan na bahagi ng norrthern Luzon at kalapit lamang ng Ilocos

Jerick James Pasiliao