Matapos ang ingay na nalikha ng kanilang hiwalayan ni Aljur Abrenica, tila unti-unti nang kumakalma ang buhay ngayon ni Kapuso actress Kylie Padilla, lalo't sinabi na rin mismo ng ex na sana ay maka-move on na sila pare-pareho.

Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 5, may mensahe umano si Kylie sa kaniyang 'younger self'. Inilakip niya sa IG post ang edited photo ng kaniyang past at present self.

Kylie Padilla (Larawan mula sa IG)

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

"I’d tell her she’s on the right path but I’d also tell her not to make herself an enemy and to not be afraid of being alone. But beside that I’d tell her she’s doing great," aniya.

"What would you tell your younger self?" tanong naman niya sa mga netizens.

Ikinasal sina Aljur at Kylie noong 2018 at biniyayaan ng dalawang baby boys na sina Axl Romeo at Alas Joaquin. May co-parenting agreement na ang nagkahiwalay na mag-asawa.