To the rescue ang dating Kapamilya child star at Hashtags member at ngayon ay pamilyado nang si Bugoy Cariño sa mga nanlalait at nang-aalipusta sa kaniyang partner na si EJ Laure.

Ayon kay Bugoy, may mga bashers daw na nagsasabing 'mukhang bakla' at napakapayat nito na parang pader. Depensa niya, mas mabuti na raw ito kaysa naman sa ibang babae na 'puro ganda at laki ng suso ang inilalaban'.

Ipinagmamalaki ni Bugoy na si EJ raw ay marunong sa mga gawaing-bahay, madiskarte, at loyal.

"Sa panahon ngayon, 'di mo kailangan mag-jowa ng matsura o malaki coco melon, mas masarap mahalin 'yung madiskarte at hindi maarte, siyempre loyal."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa latest Instagram post ni Bugoy, makikitang nagbakasyon sila sa isang beach resort sa Calamba, Laguna.

"Kahit ano man sabihin sa atin ng iba, ang mahalaga nagmamahalan at masaya tayo sa isa't isa," caption ni Bugoy.

EJ Laure at Bugoy Cariño (larawan mula sa IG)

Si EJ ay dating volleyball player at team captain ng UST Golden Tigresses volleyball team, at dating miyembro ng Philippine National team.

Nagsimula ang relasyon nila noong 2017 at lumitaw ang mga espekulasyong kaya raw tinanggal sa Hashtags si Bugoy ay dahil nabuntis umano nito ang gf na si EJ, na mariin naman niyang itinanggi. Ni-reveal nila na may anak na sila noong 2020.