Ipinagdiwang ng dating sexy actress at ngayon ay Japanese restaurant owner na si Aya Medel ang kaniyang 41st birthday nitong Nobyembre 5, 2021. Nagbigay siya ng birthday message para sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng Facebook post, na may hashtag na '#BBMisMyPresident2022' bilang pagsuporta kay Presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o BBM.

Ayon sa kaniyang birthday note, "Birthday note to myself: Just looking back at the experiences that you’ve been through these past years. Look at how you’ve become the person that you are today," aniya sa kaniyang Facebook post.

Screengrab mula sa IG/Aya Medel

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

May be an image of 1 person and text that says 'Chef CherAya Aya REGRET NOTHING, AND I BELIEVE THAT IT WAS WORTH THE EXPERIENCE OF MY LIFE!'
Screengrab mula sa IG/Aya Medel

Para sa kaniya, may nilo-look forward siya sa kinabukasan dahil sa kaniyang dagdag na taon, at pagkandidato ni BBM.

"You’ve come a long way, but there’s so much to look forward to in the future! Do not hesitate to step into this new and wonderful experience!"

Matatandaang nakatanggap ng kritisismo si Aya Medel dahil sa pagtatanggol at pagsuporta niya kay BBM sa kandidatura nito sa pagka-pangulo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/28/japanese-resto-ni-aya-medel-pinapaboykot-dahil-sa-pagsuporta-kay-bbm/">https://balita.net.ph/2021/10/28/japanese-resto-ni-aya-medel-pinapaboykot-dahil-sa-pagsuporta-kay-bbm/

Sinagot din niya ang open letter sa kaniya ng isang pari, na sumita sa kaniya sa ginawa niyang paghahayag ng suporta kay BBM. Pinanindigan naman ito ng sexy actress at sinabing kaniya-kaniyang suporta lamang umano ito at igalang na lamang ang kaniyang pansariling desisyon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/28/aya-medel-tumugon-sa-open-letter-ng-isang-pari-sa-kaniya-bbm-is-my-choice-dont-ask-me-why-kasi-di-mo-po-magugustuhan-sagot-ko/">https://balita.net.ph/2021/10/28/aya-medel-tumugon-sa-open-letter-ng-isang-pari-sa-kaniya-bbm-is-my-choice-dont-ask-me-why-kasi-di-mo-po-magugustuhan-sagot-ko/