PANGASINAN - Patay ang isang 18-anyos na lalaking helper matapos tamaan ng kidlat habang nasa bukid sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Barangay Turac, San Carlos City nitong Sabado ng gabi.
Dead on arrival sa Blessed Family Doctors General Hospital si Rinsey Mejia, taga-Brgy. Palma, Basista ng nasabing lalawigan, dahil sa matinding pagkasunog nito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, abala umano si Mejia sa bukid kung saan nag-aararo ang kasama nito nang maganap ang insidente.
Bigla umanong umulan na sinabayan pa ng kidlat na tumama sa binata, dakong 6:00 ng gabi.
Liezle BasaIñigo