Tiniyak ni presidential candidate at senador na si Manny Pacquiao na hindi magiging 'imeldific' ang kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao, kung sakaling manalo siya sa pagka-pangulo, at maging First Lady ito.

Ang salitang 'imeldific' ay salitang Ingles na nangangahulugang 'extravagant' na hango sa pangalan ng dating First Lady na si Imelda Marcos, na nakilala sa pagiging magarbo ang lifestyle, lalo na umano sa panahon ng pamamahala ng kaniyang nasirang asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na siyang ama ni presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o kilala rin sa inisyal na BBM.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/25/tingnan-ang-mga-designer-bags-ni-jinkee-pacquiao-habang-nasa-la/">https://balita.net.ph/2021/08/25/tingnan-ang-mga-designer-bags-ni-jinkee-pacquiao-habang-nasa-la/

"Hindi po. Tinititak ko po 'yan dahil kilala ko po yung asawa ko, hindi po siya ganun," wika ng senador sa ginanap na virtual forum.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Giit pa niya, mahiyain umano ang misis niya at hindi mahilig sa politika, bagama't naing vice governor sa Sarangani ay isang termino lamang at hindi na umulit.

Kung magiging First Lady umano si Jinkee, balak umano nitong pagsilbihan ang kababaihan, magbigay ng scholarship sa mga mag-aaral, magbigay ng housing sa mga pamilya at sustainable livelihood program.

Matatandaang marami ang pumupuna sa pagpo-post ni Jinkee ng mga mamahalin at branded niyang gamit sa kaniyang social media. Maging ang mga celebrity gaya nina Agot Isidro at showbiz columnist na si Cristy Fermin ay nagpapahayag ng pagkadisgusto sa ginagawang ito ni Jinkee.

Katwiran ni Jinkee, pinaghihirapan niya kung anuman ang mga pinambibili niya sa mga naturang bagay, dahil may mga negosyo naman siyang sarili. Hindi umano siya humihingi sa asawang si Manny, at lalong hindi umano galing sa katiwalian ang perang pinambibili niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/28/jinkee-pacquiao-excited-na-sa-launch-ng-bagong-skincare-line-business/">https://balita.net.ph/2021/09/28/jinkee-pacquiao-excited-na-sa-launch-ng-bagong-skincare-line-business/